Virgin. First-timer. Inexperienced.

Kahit ano pang tawag mo dyan iisa lang ang sigurado…lahat ‘yan mabi-binyagan.

That’s why Virgin Labfest is here. Hindi para magpa-virgin but to de-virginize…playwrights, audiences…collectively. In the creative sense, of course (ikaw ha).

It’s the most wanderful time of the year, oo wander talaga, kasi tiyak na ipapasyal ang utak at imahinasyon mo sa iba’t-ibang sulok at panig ng kamalayan. Madalas pa nga pati puso nahahatak. Mhmm.

At kung sanay na sanay ka naman na sa Virgin Labfest, don’t you worry dahil for sure mapapakanta ka pa rin ng “like a virgin, touched for the very first time” ni Madonna pagkatapos. Ganun siya ka-fresh, wild, and full of sizzle. Tss.

Kaya tara na’t sabay-sabay tayong magpa-de-virginize from the one who does it best…Virgin Labfest!”